ページID : 27222

更新日:2025年3月13日

ここから本文です。

2.Pamumuhay

Bumalik sa talaan ng nilalaman

Tubig at Imburnal (Drainage)

Pag-umpisa at Pagtigil sa Paggamit

Tatlong araw (na bukas ang opinsina) bago umpisahan o itigil ang paggamit, kailangan isagawa ang aplikasyon sa pamamagitan ng pagtawag o pag-FAX sa tanggapan ng Waterworks Administration Department.
Oras ng tanggapan: 8:30 ng umaga hanggang 5:15 ng hapon (Maliban sa Sabado, Linggo at Piyesta Opisyal)

Ipaalam ang mga sumusunod para sa pag-umpisa ng serbisyo Ipaalam ang mga sumusunod para sa pagtigil ng serbisyo

1.Pook kung saan gagamitin ang tubig

1.Water Service Number

2.Petsa kung kailan nais umpisahan ang serbisyo (Lunes-Biyernes lamang)

2.Pook kung saan ititigil ang serbisyo
3.Pangalan ng gagamit ng serbisyo

3.Petsa kung kailan nais itigil ang serbisyo (Lunes-Biyernes lamang)

4.Numero ng iyong telepono 4.Pangalan ng gumagamit ng serbisyo
5.Kasalukuyang address o tirahan 5.Numero ng iyong telepono
  6.Bagong address o tirahan
  7.Paraan ng pagbayad ng singil sa paggamit ng serbisyo

Pagsukat ng paggamit ng tubig

Sa isang beses sa loob ng dalawang buwan (Tuwing ika-una hanggang ika-sampung araw ng buwan) ay may pupuntang tauhan na magbabasa ng metro para malaman kung gaano karami ang nagamit sa supply ng tubig.

Ang paraan ng pagbayad ng singil sa tubig

Ang dalawang buwan na singil ay kailangan bayaran sa katapusan ng buwan.
Paraan ng pagbabayad: Cash o Paglipat ng halaga sa Bangko.

Pagbayad sa pamamagitan ng paglipat ng halaga sa Bangko

Mas madaling magbayad sa pamamagitan ng kusang pagbawas ng halaga mula sa perang nasa bangko para sa pagbayad ng singil sa tubig.
Maaaring mag aplay sa mga pinansyal na institusyon sa loob ng siyudad o Waterworks Administration Department sa City Hall, ngunit sa pag-aplay at sa pagproseso sa mga pinansyal na institusyon kinakalangan maisulat ang iyong Water Service Number kaya kailangan magdala ng papeles na may nakalagay na Water Service Number (Tulad ng meter slip).

Pagbayad sa pamamagitan ng Cash

May ipapadalang bill para sa pagbayad ng singil sa tubig tuwing ika-20 ng buwan at ito ay maaaring bayaran sa mga pinansyal na institsuyon, Convenience Store o sa City Hall at sa mga sangay nito.

【Para sa mga katanungan】
Suido Gyomu-Ka Ryoukin-Kakari (Waterworks Department - Fees and Rates Engagement)
TEL:0566-71-2249
FAX:0566-76-3436

Basura

Ang mga araw, oras at paraan ng paghihiwalay ng mga uri ng basura ay nakatakda depende sa lugar kung saan naka-address ang ating tirahan.
Ang mga basura ay hindi makokolekta kung hindi nasunod sa araw at paraan ng pagtapon ng basura.
Hindi din kokolektahin ang mga basura kung hindi ito itatapon hanggang 8:00 ng umaga.
Kung mayroong itinakdang kautusan ang samahan ng siyudad o namamahala ng mansyon (Tulad ng paggamit ng garbage plastik at paglagay ng numero) ito ay kailangang sundin.
Para sa karagdagang detalye ukol sa pagbukod at pagtapon ng basura, tignan ang “Sorting and Collection of Refuse and Resources” at “Garbage pick-up day calendar” na inilathala sa iba’t ibang wika. Maaari din ito makita sa website ng City Hall.

【Para sa mga katanungan】
Gomi Shigen Junkan-Ka (Waste and Recycling Department)
住所: Horiuchi-cho Nishi-shinden 2
TEL: 0566-76-3053

Pabahay ng Munisipyo

Ang pabahay ng munisipyo ay murang pabahay para sa mga taong mababa ang kita.

Mga kuwalipikasyon sa pagtira

  • Para sa mga dayuhan, kailangan may mahigit sa 1 taon ang pananatili bilang residente
  • Dapat na may kasalukuyang kasama ng kamag-anak sa isang tirahan o may kamag-anak na kasamang titira
  • Malinaw na nangangailangan ng tirahan
  • Ang antas ng kita ay angkop sa naitakdang pamantayan
  • Walang pagkakautang sa Residence Tax
  • Hindi kasapi ng anumang gang o yakuza (fraternity)
  • Ang taong maaaring magtalaga ng isang tagagarantiya. Isang tao mayroong kontrata sa isang rent liability guarantee company

【Para sa mga katanungan】
Kenchiku-Ka Shieijutaku-Kakari (Construction Department - Municipal Housing Engagements)
TEL: 0566-71-2240

CHONAIKAI (Samahan ng Siyudad)

Ang Samahan ng Siyudad o CHONAIKAI ay organisasyon na binubuo ng bawat residente sa ating lugar na itinatag upang panatilihin ang kaligtasan at ipagkaloob ang mga benepisyo panlipunan sa loob ng komunidad.
Bukod pa rito, isinasagawa din ang mga programang panglokal para sa ikakabuti ng mga kabataan, pagtutulungan ng mga residente sa paglilinis, at mga gawaing pang-aliw, at iba pa.
Sa pamamagitan ng samahang ito, ipinagkakaloob ang mga impormasyon na kapaki-pakinabang para sa pang-araw-araw na pamumuhay tulad ng mga balita sa City Hall at sa komunidad kasama ang mga pagsasanay kaugnay sa pag-iwas sa mga kapahamakan.
Mahalaga ang pagsali sa Samahan ng Siyudad upang mapanatili ang ligtas at matiwasay na pamumuhay.
Para sa mga nais sumali sa samahang ito, sumangguni sa tanggapan ng Samahan ng Siyudad o Chonaikai sa pook na tinitirahan.
Tumawag lamang kung hindi alam ang detalye at numero ng Samahan ng Siyudad.

【Para sa mga katanungan】
Shimin Kyodo-Ka Chiikishinko-Kakari (Citizens Collaboration Department)
TEL:0566-71-2218

Pampublikong Transportasyon

Kabilang sa pampublikong transportasyon sa siyudad ng Anjo ang tren (JR Tokaido Shinkansen, JT Tokaido Main Line Meittsu Nagoya Main Line, Meitetsu Nishio Line), Bus (Meitetsu Bus, Ankuru Bus, Centrair Japan International Airport Bus at JR Hightway Bus Lines), at serbisyo ng taksi.

Ankuru Bus

Ang Ankuru Bus ay pampublikong transportasyon patungo sa pangunahing pasilidad at sentro ng siyudad.

Bayad

Matanda at Bata: 100 yen bawat sakay
*Libre para sa mga batang nasa pre-school

1,000 yen ang tiket na maaaring gamitin isang buwan, nabibili ito sa loob ng Ankuru Bus.

Para sa mga residente na may edad na 75 taon at pataas o mayroong sertipikasyon ng pagiging may kapansanan, magiging libre ang sakay kung ipapakita ang sertipikasyon sa taga-maneho.
Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang.

May support system para mag-isyu ng mga libreng tiket hanggang dalawang taon sa mga wala pang 75 taong gulang na boluntaryong nagbalik ng lahat ng lisensya sa pagmamaneho na may bisa pa.
Para sa mga detalye, pakisuyong kontakin ang Civil Safety Division (71-2219).

【Para sa mga katanungan】
Toshi Keikaku-Ka Sogo Kotsu-Kakari (City Development Department)
TEL:0566-71-2243

Mga Alagang Hayop

Pagrehistro ng mga Aso

Ang mga aso ay kinakailangang irehistro nang isang beses sa loob ng kanilang pamumuhay.
Pagkatapos irehistro, kayo ay bibigyan ng lisensya na magpapatunay ng pagrehistro.
Ang lisensya ay kailangan mailagay sa kuwintas ng iyong aso.
Bayad sa pagrehistro:3,000 yen bawat aso
Lugar ng pagrehistro:Collective Injection Center, Outsourced Animal Hospitals, Environment City Promotion Department of City Hall

Bakuna laban sa rabis ng mga Aso

Ang mga asong may gulang na 91-araw at pataas ay kinakailangan at inuutusan na mabakunahan laban sa rabis isang beses sa loob ng isang taon.
Para sa mga asong narehistro sa siyudad ng Anjo, may darating na sulat tuwing unang linggo ng Abril para sa mga asong kailangang mabakunahan.
Panahon ng pagbabakuna:Abril hanggang katapusan ng Hunyo
Lugar ng pagbakuna:Mga group vaccination center, Mga animal hospital

【Para sa mga katanungan】
Kankyo Toshi Suishin-Ka (Environmental Sanitation Section Environmental City Promotion Division)
TEL:0566-71-2206

Pagsunog ng bangkay ng alagang hayop

Kung nais ninyo na i-cremate (pagsunog ng bangkay) ang namatay na alagang hayop tulad ng aso, pusa, atbp., ilagay lamang ang bangkay ng alagang hayop sa loob ng plastic bag o sa karton at dalhin sa “Sogo-Saien (General Funeral Hall)”.
Hindi na kailangan ng reservation.
Hindi din pwedeng maiuwi ang mga buto ng alagang hayop kasi ito ay mass funeral.
Huwag gumamit ng styrofoam o plastic case.

Oras ng Pagtanggap 8:30 a.m. hanggang 4:30 p.m.
Bayad sa pag-cremate Taga-loob ng siyudad 1,630 yen
Taga-loob ng siyudad 3,300 yen

Para sa mga katanungan
Shimin-Ka Sogo Saien (Citizen’s Affairs Department - General Funeral Engagements)
TEL:0566-72-6626

Tuntunin ng mga naninirahan

Tuntunin ng mga nag-lalakad

  • Kapag walang daan sa kalsada para sa naglalakad, maglakad sa sa gawing kanan ng kalsada
  • Kapag tatawid ng kalsadang walang stoplight, tumawid sa may pedestrian crossing
  • Kung may stoplight, huminto at sundin ang signal

Tuntunin ng mga nakasakay sa bisikleta

  • Kapag sasakay ng bisikleta, dumaan sa kalsadang pang-sasakyan.
    Sa bihirang sitwasyon lamang maaaring dumaan sa bangketa.
  • Kapag dadaan sa kalsadang pang-sasakyan, dumaan sa gawing kaliwa ng kalsada
  • Karapatang mauna ang mga naglalakad sa bangketa kaya dumaan sa kalsadang pang-sasakyan
  • Kapag may stoplight, huminto at sundin ang signal.
    Dagdag pa rito, kailangan sundin ang palatandaan ng trapik (Traffic Signs).
  • Ipinagbabawal ang pagsakay sa bisikleta kung uminom ng alak, pagsakay na may angkas at hindi pagbubukas ng ilaw sa gabi
  • Bawal mag-bisikleta nang kahanay ang isa pang nag-bibisikleta
  • Huminto sa kanto ng daan at sundin ang stoplight
  • Ang magulang o tagapag-alaga ng bata ay kailangan nakasuot ng helmet kung sila ay sasakay sa bisikleta

Tuntunin ng mga sasakay sa sasakyan

  • Bawal mag-maneho nang naka-inom at lasing
  • Kapag sasakay ng sasakyan, kailangang mag kabit ng seatbelt ang lahat ng sasakay sa driver’s seat, front passenger’s seat at back seat
  • Kapag sasakay ang batang may edad na mababa sa 6-taon gulang, kailangang gumamit ng childseat
  • Bawal gumamit ng cellphone kapag nag-mamaneho

Sa bansang Japan, ipinagbabawal ang paghinto ng sasakyan sa pangkalahatang kalsada.
Kaya kung ihihinto ang sasakyan, tingnan ang lugar kung may pinanghihintulutang paghinto ng sasakyan

Tuntunin sa paninirahan

  • Sumunod sa tuntunin ukol sa sistema ng pagtapon ng basura sa lugar ng iyong nasasakupan
  • Bawal magtapon ng basura at mantika sa drainage ng kusina
  • Mag-ingat sa paglabas ng maingay na bulto ng TV at instrumentong pang-musikal, malakas na tonong pagsalita sa pag-uusap lalo na sa gabi at madaling araw
  • Ang balkonahe ng apartment ay karaniwang ginagamit bilang labasan sa panahon ng sakuna o emergency kaya huwag ito lagyan ng mga bagay para makalabas nang maayos

Mga lugar na ipinagbabawal ang paglakad habang naninigarilyo

Ang paninigarilyo sa pampublikong lugar kung saan maraming tao ang nagtitipon ay magdudulot ng malaking kapahamakan tulad ng hindi inaasahang sakit bunga ng passive smoking at pagpaso sa mga bata.
Sa siyudad ng Anjo, mahigpit na ipinagbabawal ang paglakad habang naninigarilyo sa mga lugar tulad ng JR Anjo Station, Mikawa Anjo Station (Shinkansen, Zairaisen) at paligid ng Meitstsu Shin-Anjo Station.

お問い合わせ

市民生活部市民協働課地域振興係

電話番号:0566-71-2218

ファクス番号:0566-76-1112