ページID : 27260

更新日:2026年3月30日

ここから本文です。

6.Mga Buwis

Bumalik sa talaan ng nilalaman

Buwis

Sa prinsipyo, lahat ng taong naninirahan sa Japan ay dapat magbayad ng buwis, anuman ang nasyonalidad.

Buwis sa kita/Income Tax

Ang buwis sa kita ay isang buwis na ipinapataw sa mga indibidwal sa pagitan ng ika-1 ng Enero at ika-31 ng Disyembre ng taong iyon at binabayaran sa pamahalaan.
Para sa mga taong may suweldo(mga suweldong mangagawa),ang buwis sa kita ay ibinabawas sa kanilang buwanang suweldo ng kanilang employer alinsunod sa batas,at binabayaran ng employer ang buwis sa isang pambansang ahensya para sa kanila.Sa mga taong ito,ang mga may “year-end adjustment” na isinagawa ng kanilang employer noong Disyembre ay nakapag-settle na ng kanilang income tax,ngunit ang ibang mga tao at mga self-employed na tao ay dapat maghain ng tax return sa tanggapan ng buwis sa pagitan ng ika-16 ng Pebrero at ika-15 ng Marso ng sususnod na taon at magbayad ngkanilang buwis sa kita.

【Para sa mga katanungan】
Income Tax Kariya Tax Office
TEL:0566-21-6211

Buwis sa residente(buwis sa lungsod at prefectural)/Resident Tax

Ang sinumang may address sa Japan sa ika-1 ng Enero ay napapailalim sa pagbabayad ng buwis sa residente.
Ang resident tax ay kinakalkula batay sa kita ng nakaraang taon,kaya hindi ka makakatanggap ng tax notice sa taong dumating ka sa Japan, ngunit aabisuhan ka ng resident tax sa susunod na taon.
Kung ikaw ay isang suweldong manggagawa, ang buwis sa residente ay karaniwang ibinabawas sa iyong suweldo bawat buwan mula Hunyo hanggang Mayo ng susunod na taon.
Magbayad ang ibang tao gamit ang payment slip na ipinadala ng lungsod.

★Mga Paalala★
Kung ikaw ay napapailalim sa resident tax at aalis ng bansa, dapat mong bayaran ang natitirang halaga ng buwis bago umalis.

【Para sa mga katanungan】
Resident Tax Municipal Tax Section Municipal Tax Section
TEL:0566-71-2214

Buwis para sa maliit/magaan na sasakyan

Ang buwis na ito ay ipinapataw sa mga taong nagmamay-ari ng magaan na sasakyan, bisekleta na pinapagana ng motor, maliit na dalawang gulong na sasakyan, atbp. simula Abril 1 ng bawat taon.

【Para sa mga katanungan】
Light Vehicle Tax Municipal Tax Division Light Vehicle Tax Section
TEL:0566-71-2213

Property Tax/Fixed Asset at Urban Planning Tax

Para sa mga nagmamay-ari ng lupa, gusali, at depreciable assets/mga ari-ariang maaring pabawasan ang halaga araw-araw(mga asset ng Negosyo)simula Enero 1 ng bawat taon ay bubuwisan.

【Para sa mga katanungan】

  • Income Tax
    Kariya Tax Office
    TEL:0566-21-6211
  • Resident Tax
    Municipal Tax Division Municipal Tax Section
    TEL:0566-71-2213
  • Light Vehicle Tax
    Municipal Tax Division Light Vehicle Tax Section
    TEL:0566-71-2213
  • Fixed Asset Tax at City Planning Tax
    Asset Tax Division
    TEL:0566-71-2256
    Buildings Section/Depreciable Assets Section
    TEL:0566-71-2215

Paano magbayad ng buwis sa Lungsod ng Anjo

Kasama sa mga paraan ng pagbabayad para sa buwis sa munisipyo,buwis sa prefectural(ordinaryong koleksyon), buwis sa magaan na sasakyan, buwis sa fixed property, buwis sa pagpaplano ng lungsod, at buwis sa pambansang segurong pangkalusugan/national health insurance tax ang pagbabayad ng cash, direct debit, pagbabayad sa credit card, at pagbabayad gamit ang smartphone payment app.

Pagbabayad ng Cash

Mangyaring magbayad bago ang deadline na nakasaad sa iyong tax notice. Ang mga pagbabayad ay maaring gawin sa mga institusyong pampinansyal na may mga sangay sa lungsod, mga kalapit na kooperatiba sa agrikultura ng lungsod, mga post office, convenience store, city hall, at mga sangay na taggapan.

Paglipat ng Account

Ito ay isang napaka-maginhawang paraan ng pagbabawas ng mga buwis sa lungsod mula sa isang itinalagang account.Ang mga aplikasyon ay maaring gawin sa isang institusyong pinansyal na may punong tanggapan o sangay sa lungsod, isang kalapit na kooperatiba sa agrikultura ng lungsod, isang post office, o isang city hall o branch office.

Pagbabayad ng credit card

  • Maari kang magbayad kahit saan,anumang oras hangga’t ito ay nasa takdang petsa.
  • Ang slip ng pagbabayad na kasama ng paunawa sa pagbabayad ng buwis ay kinakailangan.
  • Ang bayad sa transakyon/settlement fee(binabayaran ng nagbabayad ng buwis)ay sisingilin ayon sa halagang binayaran.
  • Hindi ibibigay ang mga resibo.
  • Ang mga nagbabayad sa pamamagitan ng direct debit ay hindi maaring magbayad sa pamamagitan ng credit card.
Para sa pag babayad ng buwis sa municipal tax/resident tax,prefectural tax(ordinaryong koleksyon),light vehicle tax,fixed asset tax,at Urban/City planning tax.

Maari kang magbayad sa pamamagitan ng pag-scan sa QR code na naka-print sa tax notice o sa pamamagitan ng paglalagay ng eL number. Para sa mga detalye, pakitingnan ang Local Tax Payment Site.
Ang pamamaraan ng operasyon ay ang mga sumusunod:

  1. I-access ang “Local Tax Payment Site”.
  2. I-scan ang QR code na naka-print sa notice ng pagbabayad ng buwis.
  3. Piliin ang iyong paraan ng pagbabayad.
  4. Sundin ang mga tagubilin upang makumpleto ang pamamaraan ng pagbabayad.

Kung hind mo mabasa ang QR code, maaring kumpletuhin ang pamamaraan ng pagbabayad sa pamamagitan ng paglalagaay ng slip number ng pagbabayad na “eL number”.

Sa kaso ng pagbabayad ng pambansang buwis sa segurong pangkalusugan/national health insurance tax.

Maari mong bayaran ang iyong mga buwis sa takdang petsa sa pamamagitan ng pag-access sa website ng “F-REGI Public Payment”mula sa seksyong “Credit Card Payment”sa website nglungsod at paglalagay ng impormasyon ng iyong credit card.

Pagbabayad gamit ang smartphone payment app

  • Maari kang magbayad kahit saan,anumang oras hangga’t ito ay nasa takdang petsa.
  • Para sa impormasyon kung paano gamitin ang app(tulad ng pag-charge, at pagdagdag ng puntos), atbp., mangyaring sumangguni sa homepage ng bawat app.Mangyaring suriin ang homepage.
  • Pakitingnan ang “Lokal na Site ng Pagbabayad ng Buwis”para sa mga available na app.
  • Sa pag babayad,kinakailangan ang payment slip na nakalakip sa tax notice.
  • Ang mga nagbabayad sa pamamagitan ng direct debit ay hindi maaring magbayad gamit ang isang smartphone payment app.
  • Ang mga bayad sa komunikasyon at mga service fee na may kaugnayan sa pagbabayad ay sasagutin ng gumagamit.
Kapag gumagamit ng barcode

I-download ang kaukulang app(PayB, PayPay, LINE-Pay, au Pay)sa iyong smartphone, atbp., at magparehistro bilang user. Maari kang magbayad sa pamamagitan ng pag-scan sa barcode na naka-print sa slip ng pagbabayad gamit ang iyong smartphone camera.

Kung gagamit ka ng “eL-QR”(QR code)o “eL number”, ang pamamaraan ay ang mga sumusunod.

Pamamaraan ay ang mga sumusunod.

  1. Suriin ang mga katugmang app sa “Lokal Tax Payment Site”.
  2. I-scan ang QR code na naka-print sa notice ng pagbabayad ng buwis.
  3. Sundin ang mga tagubilin upang makumpleto ang pamamaraan sa pagbayad.

【Para sa mga katanungan】
Taxation Division Management Section
TEL:0566-71-2216

お問い合わせ

市民生活部市民協働課地域振興係

電話番号:0566-71-2218

ファクス番号:0566-76-1112