ページID : 27206

更新日:2025年3月13日

ここから本文です。

1.Mga Proseso

Bumalik sa talaan ng nilalaman

Pagrehistro bilang residente

Proseso sa Paglipat ng Siyudad (Mula sa ibang siyudad)

Takdang Petsa sa Pag-aabiso

  • Sa loob ng 14 araw mula sa petsa ng paglipat sa Anjo
    Hindi maaaring mag-abiso bago lumipat.

Ang mga taong maaaring mag-abiso (Taong pupunta sa tanggapan)

  • Ang taong lumipat
  • Taong kabilang sa sariling sambahayan at mula pa noon ay kasamang nakatira sa parehong address
  • Taong kabilang sa sariling sambahayan at kasamang nakatira sa bagong tirahan
    Bukod sa mga kaso kung saan ang taong lumipat ay naging kasama sa bahay ng bagong pinuno ng sambahayan.

Kung nais magbigay ng abiso ng taong hindi angkop sa mga kondisyon na nasa itaas ay kailangan magbigay ng kasulatang pagpapahintulot o authorization letter.Kahit na nakatira sa parehong address, kung galing sa ibang sambahayan, ay kakailanganin ng kasulatang pahintulot o authorization letter.

Mga Dadalhin

  • Sertipikasyon ng Paglilipat ng Adress
    Ipinagkakaloob ito sa oras na isagawa ang prosesong kaugnay sa paglipat ng address mula sa City Hall ng siyudad ng dating tirahan.
    Hindi kinakailangan ang My Number Card kung lilipat ka sa Japan galing sa ibang bansa.
    Kung nag-aplay ka para sa "Sertipikasyon ng Paglilipat ng Adress" gamit ang iyong My Number Card at hindi naibigay ang sertipiko ng paglipat, pakidala ang iyong My Number Card.
  • Residence Card
    Kailangan ang residence card ng lahat ng pamilyang lilipat ng adress na nasa iisang sambahayan.
  • ID card ng taong pupunta sa tanggapan
    Residence Card o Pasaporte, Lisensya sa Pagmamaneho, atbp.
  • Para sa mga dayuhang padre de pamilya na mayroong kamag-anak na nais lumipat sa siyudad, kailangan ang mga orihinal na dokumentong magpapatunay ng kanilang relasyon
    Kung ito ay nakasulat sa wikang dayuhan, kailangan ng pagsasalin sa wikang Hapon kasama ang pangalan at address ng nagsalin nito.
  • My Number Card
    Sa mga mayroon nito lamang.

Proseso sa Paglipat ng Tirahan (Sa loob ng siyudad)

Takdang Petsa sa Pag-aabiso

  • Sa loob ng 14 araw mula sa petsa ng paglipat sa Anjo
    Hindi maaaring mag-abiso bago lumipat.

Ang mga taong maaaring mag-abiso (Taong pupunta sa tanggapan)

  • Ang mismong tao na lumipat
  • Taong kabilang sa sariling sambahayan at mula pa noon ay kasamang nakatira sa parehong address
  • Taong kabilang sa sariling sambahayan at kasamang nakatira sa bagong tirahan
    Bukod sa mga kaso kung saan ang taong lumipat ay naging kasama sa bahay ng bagong pinuno ng sambahayan.

Kung nais magbigay ng abiso ang taong hindi angkop sa kondisyon na nasa itaas ay kailangan magbigay ng pagpapahintulot na kasulatan o authorization letter.
Kahit na nakatira sa parehong address, kung galing sa ibang sambahayan, ay kakailanganin ng kasulatang pahintulot o authorization letter.

Mga Dadalhin

  • Residence Card
    Kailangan ang residence card ng lahat ng pamilyang lumipat ng address na nasa iisang sambahayan.
  • ID card ng taong pupunta sa tanggapan
    Residence Card o Pasaporte, Lisensya sa Pagmamaneho, atbp.
  • Para sa mga dayuhan na siya ang isang padre de pamilya na mayroong kamag-anak na nais lumipat sa siyudad, kailangan ang mga orihinal na dokumentong magpapatunay ng kanilang relasyon
    Kung ito ay nakasulat sa wikang dayuhan, kailangan ng pagsasalin sa wikang Hapon kasama ang pangalan at address ng nagsalin nito.
  • My Number Card
    Sa mga mayroon nito lamang.

Proseso sa Pag-alis ng Siyudad

Takdang Petsa sa Pag-aabiso

  • Maaaring mag-abiso sa loob ng 14 araw bago ang petsa ng pag-alis sa Anjo.

Ang mga taong maaaring mag-abiso (Taong pupunta sa tanggapan)

  • Ang mismong tao na aalis sa siyudad
  • Taong mula sa parehong sambahayan sa Anjo City
  • Ang sinumang kasamang tumira sa Anjo at kapareho ng sambahayan
    Hindi sakop ang mga taong kabilang sa ibang sambahayan kahit magkasama sa iisang tirahan.

Kung nais magbigay ng abiso ang taong hindi angkop sa kondisyon na nasa itaas ay kailangan magbigay ng kasulatang pagpapahintulot.
Kahit na nakatira sa parehong address, kung galing sa ibang sambahayan, ay kakailanganin ng kasulatang pahintulot o authorization letter.

Mga Dadalhin

  • ID card ng taong pupunta sa tanggapan
    Residence Card, Pasaporte, Lisensya sa Pagmamaneho, atbp.
  • My Number Card
    Para sa mga mayroon nito

Pag-aabiso kaugnay sa Family Register

Pag-abiso ng Kapanganakan

Isagawa sa loob ng 14 araw mula sa petsa ng pagsilang.
Pakidala ang Birth Certificate, Mother and Child Health Handbook, Pasaporte ng dayuhang ama o ina ng bata.

Pag-abiso ng pagkamatay

Isagawa ang pag-abiso sa loob ng 7 araw mula sa araw kung kailan nalaman ang pagkamatay.
Pakidala ang pasaporte ng taong mag-aabiso ng pagkamatay ng yumao.

Kung nais maglagay ng Palayaw (Pangalan na pang-Hapon) sa Residence Certificate

Kapag ang taong dayuhan ay gumagamit ng pangalan na pang-Hapon sa pang-araw-araw na pamumuhay, maaari itong ilagay sa Residence Certificate bilang “Palayaw” (Ang pagrehistro ay opsyonal lamang).

Taong maaaring magpa-rehistro

  • Ang mismong tao na magpapa-rehistro ng palayaw
  • Ang tao na kasamang tumira sa Anjo at kabilang sa parehong sambahayan
    Hindi sakop ang mga taong kabilang sa ibang sambahayan kahit magkasama sa iisang tirahan.

Kung nais magbigay ng abiso ang taong hindi angkop sa kondisyon na nasa itaas ay kailangan magbigay ng kasulatang pagpapahintulot.

Mga Dadalhin

  • ID card ng taong pupunta sa tanggapan
    Residence Card, Pasaporte, Lisensya sa Pagmamaneho, atbp.
  • Kinakailangang magbigay ng maraming dokumentong magpapatunay sa paggamit ng Palayaw sa pang-araw-araw na pamumuhay.
    Kung walang maipakitang patunay, hindi maaaring ilagay ang Palayaw sa iyong Residence Certificate.
    Ang Palayaw ay marerehistro tulad ng pagka-lagay sa mga dokumentong iyong ipinasa.
    Hindi tatanggapin ang sariling gawang dokumento.
    (Halimbawa)ID sa pinapasukang kumpanya, sertipikasyon o katibayan ng pagkakakilanlan mula sa paaralan, atbp.

★Paalala★
Hindi mailalagay sa Residence Card ang mga Palayaw.

【Para sa mga katanungan】
Shiminka Todokede Shomu-Kakari (Citizen’s Affairs Department - Notification General Affairs Group)
TEL:0566-71-2268

Certificate of Residence・Income Tax Certificate・Tax Payment Certificate

Mga taong maaaring humingi

  • Ang mismong tao na hihingi
  • Taong nasa parehong sambahayan
  • Kinatawan
    Kailangan mo ng sulat ng delegasyon.

Mga Dadalhin

  • ID card ng taong pupunta sa tanggapan
    Residence Card, Pasaporte,Lisensya sa Pagmamaneho, atbp.
  • Bayad
    200 yen kada kopya

【Para sa mga katanungan】
Shiminka Shoumei-Gakari (Citizen’s Affairs Section - Certification Group)
TEL:0566-71-2221

Certificate of Family Register・Birth Certificate Copy・Marriage Certificate Copy

KOSEKI SHOMEI (Certificate of Family Register)

Ito ay nagsasaad ng impormasyon ng kamag-anak na magpapatunay ng kanilang relasyon sa isang Japanese National.

Mga taong maaaring humingi

  • Ang mismong tao na hihingi
  • Asawa
  • Kamag-anak
    Tulad ng Magulang, Lola at Lolo, Anak, Apo.

Mga Dadalhin

  • Dokumentong magpapatunay sa pagkakakilanlan ng taong pupunta sa tanggapan
    Residence Card, Pasaporte,Lisensya sa Pagmamaneho, atbp.
  • Mga dokumentong magpapatunay ng inyong relasyon bilang mag-kamag-anak
    Tulad ng Birth Certificates.
  • Bayad
    Certificate of Family Register All (Personal) Matters: 450 yen kada kopya
    Before amendment (Old) Family Register・Removal from the Family Register: 750 yen kada kopya

Kopya ng mga Birth Certificate at Marriage Certificate

Ito ay mga dokumentong kailangan sa pag-aabiso ng kasal at kapanganakan, o kaya naman ay sa pagbabago ng kuwalipikasyon ng pagiging residente sa Bansang Hapon.
Kung parehong dayuhan ang nagpakasal, hingiin ito sa siyudad kung saan kayo ay nag-aabiso ng kasal.
Kung dayuhan at hapon naman ang nagpakasal, hingin ito sa City Hall sa panahon ng kanilang patago sa imbakan (humigit-kumulang sa isang buwan), kung lumagpas na sa nasabing panahon, hingin ito sa Legal Affairs Bureau ng siyudad kung saan naka-rehistro ang address ng asawang Hapon bilang domicile.

Mga taong maaaring humingi

  • Ang mismong tao na hihingi
  • Asawa
  • Kamag-anak
    Tulad ng Magulang, Lola at Lolo, Anak, Apo.

Mga Dadalhin

  • Dokumentong magpapatunay sa pagkakakilanlan ng taong pupunta sa tanggapan
    Residence Card ,Pasaporte, Lisensya sa Pagmamaneho, atbp.
  • Bayad
    350 yen kada kopya.

【Para sa mga katanungan】
Shimin-Ka Shoumei-Gakari (Citizen’s Affairs Department - Certification Group)
TEL:0566-71-2221

Pagrehistro ng Inkan

Pangkaraniwang ginagamit sa Japan ang “Inkan o Hanko” (Selyo ng lagda na gawa sa bato o kahoy na may nakaukit na sariling pangalan) kapalit ng sariling pirma.
Ang mga uri nito ay “MITOME IN” na karaniwan ay laging ginagamit, ang “GINKO IN” na ginagamit sa pagbukas ng bangko at ang “JITSU IN” na rehistradong inkan na ginagamit para sa mga legal na transakyon tulad ng pagbili ng lupa, bahay at sasakyan.
Ingatan at itabi nang mabuti ang “JITSU IN” para maiwasan ang pagkanakaw nito.
Bilang patakaran, ang pagrehistro ng stampa ay kailangan isagawa ng mismong may -ari direkta sa tanggapan ng munisipyo.

Taong maaaring mag-rehistro

15 taong-gulang o pataas na nakarehistro bilang residente ng siyudad ng Anjo.

Mga Dadalhin

  • Residence Card, Pasaporte, Lisensya sa Pagmamaneho, atbp
  • Inkan na nais iparehistro
  • Bayad
    Sa pagpaparehistro 200 yen

Mga konsidyon ng inkan na maaaring irehistro

  • Pangalan, Apelyedo o kombinasyon nito na tulad ng nakasulat sa Residence Certificate
    Kung nakasulat sa Residence Certificate ang iyong Palayaw maaari itong gamitin sa inkan na irerehistro.
  • Ang sukat ng inkan ay kailangang higit sa 8mm ngunit hindi lalagpas sa 25mm

Ang mga inkan na napudpod, may sira o stamp-type ay hindi maaaring iparehistro.
Ang inkan na naiparehistro na ng ibang miyembro ng kapamilya (Dobleng Pagrehistro) ay hindi mairerehistro.
May iba pang mga kondisyon para sa pagpaparehistro.
Mangyaring magtanong para sa iba pang mga detalye.

Kung ang pangalan ninyo sa Residence Certificate ay “JOHNSON MARK SUZUKI”, maaaring iparehistro ang “JOHNSON”, “MARK” at “SUZUKI.” Maaari rin gamitin ang “J.MARK”, “J.M.SUZUKI” o “J.M.S”.
Kung ang nakasulat sa inyong Residence Certificate ay “JOHNSON MARK SUZUKI (Palayaw: 鈴木ジョンソン)”, maaaring idagdag sa itaas ang “鈴木”, “ジョンソン” o “鈴木ジョンソン” sa pagrehistro.

【Para sa mga katanungan】
Shimin-Ka Shoumei-Gakari (Citizen’s Affairs Department - Certification Group)
TEL:0566-71-2221

お問い合わせ

市民生活部市民協働課地域振興係

電話番号:0566-71-2218

ファクス番号:0566-76-1112