ページID : 27253

更新日:2025年3月13日

ここから本文です。

 5.Pagpapalaki ng bata, Edukasyon

Bumalik sa talaan ng nilalaman

Child Allowance

Ang Child Allowance ay ipinagkakaloob sa nag-aalaga ng bata bago ito makapagtapos ng junior high school (Hanggang Marso 31 pagkatapos sumapit ang ika-15 taong kaarawan nito).
Bilang patakaran, ay dapat magkasamang nakatira sa Japan ang magulang at anak.
Para makakuha ng Child Allowance, kailangang isagawa ang aplikasyon sa munisipyo kung saan kayo ay naka-rehisto bilang residente sa Residence Certificate.
Bilang regulasyon, ang pagbibigay ng allowance ay magsisimula sa susunod na buwan pagkatapos ng pag-apply.

Pagbibigay ng allowance

  • Hunyo: Kasama ang allowance mula Pebrero hanggang Mayo
  • Oktubre: Kasama ang allowance mula Hunyo hanggang Setyembre
  • Pebrero: Kasama ang allowance mula Oktubre hanggang Enero

Sa ika-10 na araw ng buwan ng pagbibigay ng allowance, 4 na buwang halaga ng allowance ay ililipat sa itinalagang bank account.
Gayunpaman, kung ang ika-10 na araw ay natapat sa isang Sabado, Linggo, o holiday, ito ay ililipat sa mas maagang araw ng negosyo ng institusyong pampinansyal.

Para sa mga katanungan
Kosodate Shien-Ka Kosodateshien-Kakari (Children’s Support Department - Klerk ng benepisyo ng bata)
TEL:0566-71-2227

Single-parent Family Allowance

Ang mga allowance para sa mga single parent na mga pamilya ay binubuo ng Child Rearing Allowance, Aichi Orphan Allowance (partikular sa prefecture) at Anjo Orphan Allowance (particular sa siyudad).
Sinusuportahan nito ang mga batang wala pang 18 taong gulang (hanggang sa katapusan ng fiscal year matapos nilang umabot sa edad na 18) dahil sa diborsyo o pagkamatay, o kaya ay may malubhang kapansanan ang ama o ina (level 1 ng pensiyon ng kapansanan) (Ang Child Rearing Allowance lamang ang binabayaran sa mga may kustodiya o pangangalaga ng isang batang wala pang 20 taong gulang na mayroong pisikal at mental na kapansanan.
Ang bawat benepisyo ay may mga limitasyon batay sa kita (aplikante at mga miyembro ng pamilya na kasamang nakatira sa bahay) at mga tatanggap ng pampublikong pensiyon.

Pagbibigay ng allowance

  • Mayo(allowance mula Marso - Abril)
  • Hulyo(allowance mula Mayo - Hunyo)
  • Setyembre(allowance mula Hulyo - Agosto)
  • Nobyembre(allowance mula Setyemre - Oktubre)
  • Enero(allowance mula Nobyembre - Disyembre)
  • Marso(allowance mula Enero - Pebrero)

Ang Child Rearing Allowance ay babayaran sa ika-11 ng mga odd number na buwan, at ang Aichi Prefecture Orphan Allowance at Anjo City Orphan Allowance naman ay babayaran sa ika-25 ng mga odd number na buwan, kung saan ang babayarang halaga ay 2-buwang allowance, sa itinalagang bank account.
Gayunpaman, kung ang petsa ng pagbabayad ay natapat sa isang Sabado, Linggo, o holiday, ito ang ililipat sa mas maagang araw ng negosyo ng institusyong pampinansyal.

Para sa mga katanungan
Kosodate Shien-Ka Kosodateshien-Kakari (Children’s Support Department - Klerk ng benepisyo ng bata)
TEL:0566-71-2229

Children’s Club

Ang Children's Club ay isang after-school na probrama na sumusuporta sa pag-aalaga ng kabataang Grade 1 hanggang Grade 6 na estudyante sa elementarya, na ang mga magulang ay wala sa bahay sa araw dahil sa trabaho o pagkakasakit.
May buong araw na serbisyo tuwing araw ng Sabado at bakasyon sa summer.

Bayad sa serbisyo

5,200 yen/buwan (8,600 yen para sa Agosto lamang)
1,000 yen na bukod na bayad para sa meryenda.

Aplikasyon

Ang reception counter ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes, 8:30 a.m. hanggang 5:15 p.m. (hindi kasama ang mga pambansang holiday at mga holiday sa katapusan ng taon at Bagong Taon).
Pakisuyong mag-apply mula ika-1 hanggang ika-20 ng buwan bago ang buwan na nais mong gamitin ang serbisyo (sa susunod na araw kung ang ika-20 ay natapat sa isang Sabado, Linggo, o pambansang holiday).
Gayunpaman, kung nais gumamit mula Abril 1 ng bagong taon, nakatakda ang panahon ng aplikasyon sa Nobyembre ng nakaraang taon.
Pakisuyong kontakin ang Anpa-Ku para sa impormasyon kung paano mag-apply.

【Para sa mga katanungan】
Kosodate Shien-Ka Jidoclub-Kakari (Children’s Support Department - Clerk ng Children’s Club) 
Address:8-2 Daito-Cho
TEL:0566-72-2319

Nursery School

Layunin ng Nursery School ang magbigay ng serbisyong childcare sa mga bata na nangangailangan ng pangangalaga sa kadahilanang ang kanilang mga magulang ay nagtatrabaho o may mga sakit.

Target na edad

0 taong gulang hanggang sa edad ng pagpasok sa elementarya.

Bayad para sa Nursery School

Ang halaga ng bayad ay base sa status ng taxable income ng pamilya at sa edad ng bata.

Aplikasyon

Kailangang mag-apply bago ang ika-1 ng buwan (Kung ika-1 natapat sa isang Sabado, Linggo o Piyesta Opisyal, malilipat ito sa pinakahuling araw na bukas ang opisina sa nakaraang dalawang buwan) bago ang buwan ng iyong nais na pagpasok sa Nursery.
Kumonsulta lamang sa Child Care Department para sa mga katanungan.

【Para sa mga katanungan】
Hoiku-Ka (Child Care Department)
TEL:0566-71-2228

Kindergarten

Layunin ng Kindergarten na bigyan ng edukasyon at panatiliin ang matiwasay na mental at pisikal na kalagayan ng mga kabataang nasa pre-school (Mula sa edad na 3 hanggang sa pagpasok ng Elementarya).

Bayad sa Tuition at Aplikasyon

Pakisuyong kontakin nang direkta ang bawat kindergarten.

【Para sa mga katanungan】
Hoiku-Ka (Child Care Department)
TEL:0566-71-2228

Certified Children’s Center

Ang mga Certified Children’s Center ay mga pasilidad kung saan pinagsamasa ang tungkulin ng Nursery at Kindergarten.

Kung nangangailangan ng child care ang mga magulang o guardian na nagtatrabaho o may kapansanan

Mag-apply lamang bago ang ika-1 ng buwan (Kung ang ika-1 ay natapat sa isang Sabado, Linggo o Piyesta Opisyal, malilipat ito sa pinakahuling araw na bukas ang opisina sa nakaraang dalawang buwan) bago ang buwan ng iyong ninanais na pagpasok.
Makipag-ugnay lamang sa Child Care Department para sa mga katanungan.

Para sa ibang tao bukod sa nabanggit sa itaas

Mayroong mga Public Certified Children's Center at Private Certified Children's Center.
Para sa karagdagang impormasyon, direktang magtanong sa bawat Children’s Center.

【Para sa mga katanungan】
Hoiku-Ka (Child Care Department)
TEL:0566-71-2228

Paaralan

Sa Japan, ang pagpasok sa paaralan ay magsisimula sa Abril at magtatapos sa Marso.
Ang mga anak ng dayuhan ay maaari ring pumasok sa Pampublikong Elementarya, junior high school, at kapag nagtapos ng junior high school, ay maaaring makapasok sa senior high school o sa unibersidad kung saan nila nais pumasok, o kaya naman ay magsimula na ng pagtatrabaho.
Pakisuyong kontakin kami para sa mga detalye tungkol sa paglipat sa paaralang elementarya at junior high school.
Para sa mga detalye tungkol sa pampubliko at pribadong paaralang elementarya at junior high school, mangyaring direktang makipag-ugnay sa mga paaralan.

Diagram ng Japanese Education System (Halimbawa)(PDF:49KB)

【Para sa mga katanungan】
Gakkou Kyoiku-Ka Gakuji-Kakari (School Education Department - Academic Affairs)
TEL:0566-71-2254

Suporta para sa Pagpasok sa Paaralan

Para sa mga nahihirapan sa pamumuhay, mayroong sistema na nagbibigay ng tulong para sa mga gamit sa paaralan, pananghalian sa paaralan, atbp., depende sa kanilang pinansyal na sitwasyon.
Pakisuyong kontakin ang bawat paaralan para sa mga detalye.

【Para sa mga katanungan】
Gakkou Kyoiku-Ka Gakuji-Kakari (School Education Department - Academic Affairs)
TEL:0566-71-2254

Sistema ng Iskolar sa Siyudad ng Anjo

Ang sistemang ito ay nagbibigay ng kinakailangang pondo para sa estudyanteng may angking galing sa akademya na nahihirapang pumasok sa senior high school dahil sa pinansyal na dahilan.

【Para sa mga katanungan】
Somu-Ka Shomu-Kakari (General Affairs Department)
TEL:0566-71-2253

Suporta para sa Matrikula sa Pribadong Senior High School

Ang sistemang ito ay nagbibigay ng tulong sa bayarin ng matrikula para sa mga magulang o guardian ng estudyanteng papasok sa pribadong senior high school mula Oktubre 1 ng taon.
Ang mga guardian ng mga mag-aaral na exempted sa pagbabayad ng buong halaga ng matrikula ay hindi magagamit ang sistemang ito.

【Para sa mga katanungan】
Somu-Ka Shomu-Kakari (General Affairs Department)
TEL:0566-71-2253

Pag-aaral ng Wikang Hapon

Ang Lungsod ng Anjo ay may mga sumusunod na klase sa wikang Hapon.

Pangalan ng Organisasyon Target Araw at Oras Lugar Bayad Aplikasyon
Anjo International Association Mga residenteng dayuhan o nagtatrabaho sa loob ng siyudad na may edad 16 at pataas

Miyerkules
7:00 pm hanggang 8:30 pm

Para sa mga katanungan:
Anjo International Association
TEL:0566-71-2260

Salvia Japanese Language Club Kahit sino
(Kailangan ng pag-konsulta para sa edad 15 at pababa)
Sabado
10:00 am - 11:30 am
Anjo City Hall Sakura Office 100 yen kada oras

Para sa katanungan:

Collaborative Community Development Department – Regional development Affairs
TEL:0566-71-2218

Anjo International Association
TEL:0566-71-2260

Nihongo Hiroba Kahit sino Huwebes
10:00 am - 11:30 am
100 yen kada oras
Sakura Japanese Language Club Kahit sino Martes
10:00 am - 11:30 am
100 yen kada oras
Raimu Estudyante sa elementarya o junior high school o Senior high school na ang katutubong wika ay hindi wikang Hapon

Biyernes
Elementarya: 4:00 pm - 5:30 pm
Junior High School/ Senior High School: 5:30 pm – 7:00 pm

Sa loob ng Furui Residence II Assembly Hall 500 yen kada buwan
After School Learning Support Almond Estudyante sa Junior high school student / Senior high school

Huwebes
5:00 pm hanggang 7:00 pm

Anfore Group Classroom 500 yen kada buwan
Waku Waku Childrens Japanese Club Estudyante sa elementarya Hindi regular (bakasyon sa summer/winter/spring Anjo Civic Exchange Center 4 na klase sa halagang nasa 100 yen

Simula Abril 1, 2022

【Para sa mga katanungan】
Shimin Kyodo-Ka Chiiki Shinko-Kakari (Citizens Collaboration Department - Regional Development Affairs)
TEL:0566-71-2218

お問い合わせ

市民生活部市民協働課地域振興係

電話番号:0566-71-2218

ファクス番号:0566-76-1112