ページID : 27262

更新日:2025年3月13日

ここから本文です。

 8.Sa panahon ng emergency

Bumalik sa talaan ng nilalaman

Pagpapagamot sa Panahon ng Emergency

Una sa lahat, kumonsulta sa sariling doctor (Doctor in charge).
Ang “Holiday and Night Emergency Medical Care Clinics” ay mga medikal na institusyon na bukas sa gabi, at araw ng piyesta opisyal para sa pagpapagamot sa panahon ng emergency.
Bilang pangkalahatang tuntunin, ang mga gamot ay irereseta mula susunod na araw hanggang sa araw na maari muling makapagpasuri sanisang regular na medikal na institusyon.

Holiday and Night Emergency Medical Care Clinic sa siyudad ng Anjo

Para sa kalagayan na may banayad na sintomas lamang (Kung nakakapagsalita pa at nakakapaglakad nang sarili), magpasuri sa sumusunod na mga departamento.

Departamento ng pagsusuri:Internal Medicine, Pediatrics at Dentistry

  Araw ng konsultasyon Oras ng tanggapan
Internal medicine & Pediatrics Lunes hanggang Biyernes 20:00~22:00
Sabado 17:00~21:00
Linggo, Piyesta Opisyal, katapusan ng taon at bagong taon (Disyembre 30-Enero 3)

8:30~11:30
13:00~16:30

17:30~21:00
Dentistry Linggo, Piyesta Opisyal, katapusan ng taon at bagong taon (Disyembre 30-Enero 3)

8:30~11:30
13:00~16:30

Lugar:Anjo Health Center
TEL:0566-76-2022
Mga Dadalhin:My Number Card,Health Insurance Card, Medical Benefits Card (Mga bata, May pisikal o mental na kapansanan, pamilya ng single parent, atbp.), Cash, Medicine Prescription Booklet (Okusuritecho) (para sa mga mayroon nito)

Kung nahihirapan dahil sa biglaang pagkakasakit
Maaaring tumawag 24 oras sa loob ng 365 araw ng taon para kayo ay tulungan na makahanap ng medikal na institusyon para sa iyong pagpapagamot.

Para sa mga katanungan
Emergency Medical Information Center
TEL:0566-36-1133

Sakuna at Kalamidad

Lindol

Madalas na may lindol sa Japan. Kaya kailangang ihanda ang sarili sa ganitong uri ng kapahamakan.

Karaniwang Paghahanda

  • Siguraduhing maghanda ng sapat na dami ng tubig at pagkain na maaaring tumagal nang higit sa tatlong araw (Kung kakayanin ay pang-isang linggo).
  • Siguraduhing bigyan ng kanya-kanyang gawain ang bawat miyembro ng pamilya bilang paghahanda sa oras ng emergency. Iwasang mabahala at magtakda ng paraan ng pagtawag at kung saan maaaring magtagpo.
  • Siguraduhing isagawa ang mga pamamaraan upang maiwasang mabuwal o mahulog ang mga kasangkapan sa bahay.
  • Siguraduhing ihanda ang mga bagay na kakailanganin sa emergency tulad ng radyo, flashlight, mga damit,at iba pa.
  • Kumpirmahin ang itinakdang lugar na maaaring maging refuge place (Hinanjo) sa panahon ng emergency at suriing mabuti ang mga ruta na nakalarawan sa “Anjo's Earthquake Hazard Map.”
  • Sumali sa mga pagsasanay kaugnay sa disaster prevention na isinasagawa sa sariling komunidad.

Bagyo at Baha

Ang bagyo ay karaniwang dumadating sa Japan mula Summer hanggang Autumn.
Sa pagdating ng isang bagyo, siguraduhing makinig sa mga balita mula sa TV, radyo at iwasang bumiyahe, umakyat sa bundok, mangisda at lumangoy sa dagat.

Paghahanda at pagiwas sa mga kapahamakan

Sa oras na magkaroon ng malaking lindol o bagyo, kung talagang kinakailangan, ay tumungo agad sa refunge place (Hinanjo) o lugar ng silungan na itinakda sa palibot ng siyudad.
Ang mga itinakdang pasilungan ay ang mga parke, ground, at iba pang nasa 182 na lugar na itinakda.
May 54 na lugar bilang silungan na itinakda tulad ng mga gusali ng paaralang elementarya, junior high school at Community Center.
Sa pagdating ng sakuna, kumpirmahin agad ang mga balita o impormasyong ibabahagi sa radyo sa pamamagitan ng Pitch FM (83.8Mhz).
Bukod pa rito, ihanda ang sarili sa pamamagitan ng pagsali sa mga disaster prevention group ng sariling lokalidad (Jishu Bosai Soshiki), upang masanay ang sarili sa mga nararapat na paghahanda sa oras ng kapahamakan at makibahagi sa kilusang “Tulungan ang isa't isa” sa panahon ng emergency.

Disaster Message Dial “171”

Ang malaking sakuna tulad ng paglindol at malakas na ulan ay magreresulta sa matinding problema sa signal ng pagtawag sa telepono.
Ang serbisyong ito ay ginagamit para makatawag at magkaroon ng komunikasyon upang masiguro ang ligtas na kalagayan ng mga mahal sa buhay sa panahon ng sakuna at kalamidad.

  1. Kung nais mag-iwan ng mensahe
    Dial 171 → 1 → Ilagay ang landline number sa disaster area (maaaring gumamit ng cellular number) simulan sa Area Code → Mayroon lamang 30 segundo para maglagay ng mensahe
  2. Kung nais pakinggan ang mensahe
    Dial 171 → 2 → Ilagay ang landline number sa disaster area (maaaring gumamit ng cellular number) simulan sa Area Code → Pakinggan ang mensahe

Ang mensahe ay mase-save hanggang matapos ang paggamit sa serbisyo.
Sa isang numero ng telepono ay maaaring mag-iwan hanggang maximum na 20 mensahe (Kayo ay bibigyan ng abiso sa simula ng paggamit sa serbisyo).

Maaaring subukan ang serbisyo sa sumusunod na panahon at petsa:

  • Ika-1 at ika-15 araw ng buwan
  • Enero 1 hanggang 3
  • Disaster Prevention Week (Agosto 30 hanggang Setyembre 5)
  • Disaster Prevention at Volunteers Week (Enero 15 hanggang 21)

Tignan ang lugar ng shelter na malapit sa iyong lugar.

Sa pagkakaroon ng sakuna, kayo ay makakatanggap ng impormasyon tungkol sa emergency disaster.
Ang impormasyong tungkol sa sakuna at emergency sa siyudad ng Anjo ay mapapakinggan sa Pitch FM (83.3MHz).
Para makakuha ng karagdagang impormasyon, pakisuyong tingnan ang opisyal na website ng lungsod.

Sa panahon ng sunog, pinsala at biglaang pagkakasakit(119)

Tumawag 119 sa panahon ng emerhensiya tulad ng sunog, pagkapinsala o biglaang agkakasakit.
Libre ang tawag sa paggamit ng 119 at maaring gamitin ito ng 24 oras sa anumang lugar sa Japan.

Paano tumawag

  1. I-dial ng direkta ang numerong 119.
    Para sa pampublikong telepono, pinduting maigi ang emergency button na kulay pula.
  2. Ipaliwanag ng malinaw kung ang emergency ay sunog, biglaang pagkakasakit o pagkapinsala at ibigay sa operator ang sarilingpangalan at lokasyon.
    Halimbawa)"Kaji desu" (May sunog po.), "Kyubyo desu" (Biglaang pagkakasakit po.), "Kyukyusha wo onegaishimasu" (Kailangan po ng ambulansiya.), "Basho wa ___ desu" (Ang lokasyon po ay sa____.), "Jusho wa ____ desu" (Ang address po aysa_____.), "Namae wa ____ desu" (Ang pangalan ko po ay si ____.), "Denwa bango wa ____ desu" (Ang telepono ko ay _____.), "Sugu kite kudasai" (Pumunta po agad kayo.)

Aksidente sa sasakyan(110)

Sa oras ng aksidente sa sasakyan o pagkakaroon ng krimen, tumawag agad sa numerong 110.
Ang 110 ay maaring gamitin kahit saan man sa Japan, 24 oras araw-araw.
Kapag nagkaroon ng aksidente sa sasakyan, kinakailangang.

Paano tumawag

  1. I-dial ng direkta ang numerong 110.
    Para sa pampublikong telepono, pinduting maigi ang emergency button na kulay pula.
  2. Ibigay ang sariling pangalan at sabihin kung kailan, saan at kung ano ang nangyari.
    Halimbawa)"Dorobo desu" (Nagkaroon po ng nakawan.), "Kotsu jiko desu" (Nagkaroon po ng aksidente sa sasakyan.), "Kega wo shite imasu" (Sugatan po ako.), "Basho wa ___ desu" (Ang lokasyon po ay sa ____.), "Jusho wa ___ desu" (Ang address po ay sa ____.), "Namae wa ___ desu" (Ang pangalan ko po ay si _____.), "Denwa bango wa ___ desu" (Ang telepono ko po ay _____.), "Tasukete kudasai" (Tulungan po ninyo ako.)

お問い合わせ

市民生活部市民協働課地域振興係

電話番号:0566-71-2218

ファクス番号:0566-76-1112